Tuesday, July 19, 2011

Kaibigan

 
©1997 Johnny Domawa
All Rights Reserved
(This is another high school poem written for a classmate who left school. I managed to find this in some of my old notes. Most of the poetry I've created at that time are lost because the notebook where they were written were never returned back. They say that I am good at writing in Filipino - I don't know really, I find it too flowery for my taste so I rarely write anything anymore in the vernacular)


 Sa pagdaloy ng agos sa ilog ng panahon
At pag-ingay ng hangin sa malalagong mga dahon
Di ko mapigilan na muling gunitain
Alaala ng kahapon, sa dulo ng mga pangitain

Sa panahong ganito at di ko maatim
Na muling pagbuksan mga pintuan sa dilim
Ay muli’t muli alaala mo’y nananawagan
Mula sa mga bagay bagay na pilit nililimutan

Kaibigan, sa mga panahong ganito
Pakiwari ko ikaw at ako’y napakalayo
Di ko man sa isip ikaw ay maiwaksi
Pakiramdam ko’y ako ang walang silbi

Nagdaan na’t lahat ang mga galaw ng orasan
At huli na ng ating malama’t matanawan
Na tayong dalawa , magkaibiga’y lumihis na
Ng landas na ngayo’s hinigop ng kawalan

Di ko man alam ngayon ang katagang sasabihin
Para ika’y bumalik sa ating dating pagtingin
Ay di ko maiwaksi ang mga alaalang naiwan
Mo, kaibigan, kailanma’y di ko malilimutan

Kaya saan ka man ngayon naroroon
Isaisip mo ang nagdaang mga kahapon
At kahit tayo’ng dalawa’y tuluyan ng malayo
Minahal at mahal pa rin kita kaibigan ko –

0 comments:

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | coupon codes