Si Bodoh at ang Buhay

Copyright 2011 Johnny Domawa
All Rights Reserved
Disclaimer: Any resemblance to a person, living or dead is unintentional

Sa isang kubo sa isang baryo malapit sa Mariveles, Bataan. Dapit hapon at tanaw na tanaw sa kanluran ang unti-unting paglubog ng araw. Makikita natin ang ating kaibigan na si Bodoh kasama si Pilosopong Tasyo at isang matabang lalaking kalbo na nag-iinuman ng mumurahing kwadro kantos habang namumulutan ng mani…

Bodoh (B): (tingin ng taimtim sa namumulang kalangitan na parang balisa)

Tasyo (T): (tinatagay ang kwadro kantos at walang pakialam sa kalangitan)

Kalbo (K): (animoy tulog na nakaupo – nakapikit ang mata at malayo ang isip)

B: (sighs and looks at the east with a hint of sadness in his eyes) Ano ba ang buhay?

Walang kumibo. Napatigil ng konti si Pilopopong Tasyo sa akmang pagtungga ng serbesa ngunit sa isang maikling sandali lamang. Medyo tumaas ang kilay ni Kalbo sa kanang mata ngunit ito rin ay panandalian na para bagang naihipan lang ng hangin.

Balisa pa rin si Bodoh at nilunok ang tinik sa lalamunan. Inalis niya ang kanyang titig sa kawalan at nabaling ang kanyang pagmumuni-muni sa serbesang nangalahati lamang ang laman simula pa noong nilagyan niya yun. Sabay pakawala ng nakabigting hininga, kanya itong tinaas sa kanyang bibig at sa isang iglap, ito’y kanyang nilamon…

(Wheww… damn Pilipino – almost lost myself twisting my mind to recall the words, hehe – author)

He gulped the bitter concoction, reveling in the harsh taste of gin and water as it raced into his gut. He welcomed the feeling although it made him retch. Whoever said that alcohol tastes good is a liar. Mapait ang inumin na pag ininom ay para bagang gasolina na magaspang sa lalamunan. Gusto man niyang isuka ito ay hindi niya magawa sa simpleng rason na siya ay isang lalaki at ang isang lalaki kailnman ay hindi puedeng sumuka ng kanyang ininom sa harap ng ibang lalaki hanggat hindi siya lasing o magpapanggap na lasing.

Napangiwi ang kanyang mukha sa tama ng kanyang hinigop pero agad niyang kinubli ito sa isang simangot at kanyang binagsak ang walang laman na baso sa mesa ng medyo malakas kaysa sa inaasahan, ang tunog na parang kulog sa maliit na kubo.

Through half amused eyes, Pilosopong Tasyo watched his actions. Naiintindihan ni Tasyo ang gustong sabihin ng binata pero hindi niyo to agad pinatulan. Sa ganitong sandali, alam ni Tasyo na mas mabuting hanapin muna ni Bodoh ang sagot sa kanyang isip kaysa siya sumabad.

Ang kalbong mama naman, kung napansin man niya ang tantrum ni Bodoh ay walang pinahiwatig na nakita ito at patuloy pa ring nakasandal sa pader, pikit ang mata at nananahimik.

Bodoh realized with a start that he probably had leaked something that was more than what was asked for. Sa isang banda, isa pa lang ang kanyang tinagay at wala pa sa kanila ang lasing. The rule when confiding among men is that one or all must be drunk… or sufficiently watered so that when they become sober and some stories come up, they can always attribute it to drunkenness.

Lasing kasi ako noon pare kaya ko nasabi un… San Miguel ang nagsalita doon pare… May nasabi ba akong ganun?

Excuses… really – drinking alcohol is always an excuse.

That’s the real reason men drink – to have a reliable excuse they can use when somebody asks them about it later. They can always blame the alcohol talking when they are confronted with what they’ve said.

B: (tumawa ng puwersahan at inabot ang kwadro kantos at nilagyan ang kanyang baso – sabay tinagay at pinakiramdaman kung medyo siya tinamaan para may rason kung ano man ang masabi) Lolo Tasyo, ano ba ang ibig sabihin ng buhay?

Tiningnan ni Bodoh si Pilosopong Tasyo na para bagang nagmamakaawa. Animoy hindi siya narinig ni Tasyo at para pang nilalaro ng matanda ang kanyang serbesa na malapit ng maubos. Wala pa ring imik si Kalbo at nakasandal sa kanyang upuan at patuloy na nakapikit ang dalawang mata, hindi man lang nagalaw ang kanyang baso na puno ng alak.

Bodoh sighed, wondering about the sense of him being there. Hindi naman sa ayaw niya ng kanyang buhay. Kung tutuusin, pag ikukumpara sa buhay ng mas nakakarami ay wala siyang masasabi. Hindi siya siguro magugutom sa madaling bukas at hindi rin siya mababaon sa utang. Pag patuloy ang pag-usad ng kanyang buhay sa direksiong kanyang tinatahak ay maganda ang kanyang hinaharap. Hindi siya yayaman… ok lang siguro.

Pero sa pakiwari niya ay meron pa ring kulang. Sa kanyang pagmumuni-muni ay nakita niya ang walang katulad na kalungkutan na naghihintay sa kanya sa landas na kanyang nilalakad. And even when he is resigned to his fate, there is still something inside him that is screaming for him to do something about it.

Nilagyan niya ulit ang kanyang baso, tinaas sa kanyang labi ngunit di niya nilagok. Binaba niya… hindi siya lasenggero at ayaw niya ng lasing – he slammed the glass unceremoniously on the table, disgusted at himself…

Outside, the sunset had colored the west sky bloody red (Sa labas, nabalot ang kanlurang langit ng kulay na parang dugo). He turned away, not really willing to think about anything anymore.

In the corner of his eyes, Pilosopong Tasyo studied him with a critical eye.

Sa haba ng buhay ni Tasyo, alam niya kung ano ang bumabagabag sa tumatandang binata. Naiintindihan niya ang mga agam-agam at mga tanong na namumuo sa isip ng bata. Lahat ng lalaki ay dumadaan sa ganun at alam din ni Tasyo na ang puedeng makasagot sa kanyang mga katanungan ay walang iba kundi ang kanya ring sarili.

On their side, Kalbo silently opened his eyes. He looked at both while adjusting his vision from the glare of the sudden light. His eyes settled on the glass holding his drink. Tentatively, he raised it up sniffed it gingerly, crinkled his nose at the tart smell and promptly glanced furtively at his companions. Seeing that no one was looking, he flipped majority of the contents behind his back and then gulped only a small amount of what remained. (Wais nga kunada, hehe)

He looked at the four by four and saw that it is nearly empty. He took it and seeing Tasyo and Bodoh’s glasses half empty, he poured the rest into the glasses and the small amount left he placed on his own, after which he liberally topped with water. Satisfied, he reached for the peanuts on the center of the table and picked a few.

Absent-mindedly, Bodoh picked up his glass and gulped it down, nearly gagging at the purity of the alcohol that he drank. The hot liquid raced down to his gut and gave his mind a jolt of numbness. He wanted to puke but his pride as a man prevented that. He felt the alcohol kick in his system and for a moment, he wondered if he should give in to his puking response and disgorge his body of the offending liquid.

Ngunit siya ay isang lalaki at ang pride ng isang lalaki ay kailanman hindi maatim na magluwal ng kanyang nainom. Puwera na lang kung wala na siya sa sarili at talaga ng lasing. Inisip niya kung magpapanggap siyang lasing at kusang magduwal pero winala niya ang ganitong pag-iisip at kanyang tinikom ang kanyang bibig.

Unti-unti naramdaman niya ang pagtama ng alak sa kanyang ulo. Para bagang lobo na gumagaan ang kanyang isip at lumulutang sa kawalan.

At ng lumutang na siya sa tabi ng mga ulap ay nawala na rin ang kanyang mga agam-agam sa sarili. Tiningnan niya si Tasyo at nagsalita

B: Lolo, ano po ba ang ibig sabihin ng buhay?

Di pa rin sumasagot si Lolo.

B: Kasi, lolo, halos andito na sa akin ang gusto kong pangarap… may trabaho akong maayos… may maiipon siguro ako para sa bukas… kaya ko naman sigurong mabuhay ng matiwasay… na kumain sa gustong kong pagkainan… na lumabas maglakwatsa sa gusto kong paglakwatsahan… pero bakit lolo? Bakit parang may kulang sa buhay ko…

Bodoh watched the old man with imploring eyes… but the old man merely sipped from his glass in a pensive mood… Bodoh watched him for a response for a while…

Kalbo saw his chance and quickly replaced Bodoh’s glass with his own.

Bodoh was starting to get frustrated. He glanced back at his glass expecting it to be empty but to his chagrin, it was still half full. He grabbed it and gulped the liquid down. He did not like drunkenness but there are moments in life when a man has got to drink something down to the point of drunkenness.

Now was such a moment.

B: Walang direksiyon ang aking buhay ata lolo… wala naman na akong masasabi pero para akong dahon na lumulutang sa sa dagat at sumasama lamang sa mga alon…

Kinuha ni Kalbo ang Roundpose sa ilalim ng mesa at kanyang binuksan. Binuhos niya ang konti sa takip at binuhos sa sahig. He looked at the dark splotch it caused and winced. He smiled miserably. After which, he turned back to refill Bodoh’s glass but the old man grabbed the bottle instead and refilled everything including his.

Ngumisi si Kalbo. Napansin yata ng matanda ang kanyang ginagawa mula kanina. Tinungga ulit ni Bodoh ang kanya pero si Kalbo, iniwan ang kanyang serbesa sa lalagyan.

B: Ano nga ba ang ibig sabihin ng buhay lolo? Para saan pa at ako’y humihinga sa ibabaw ng mundo? Aanhin ko ang tatlumpo o apatnapong taon na ganito lang din ang kahihinatnan? Ganito na lang ba ang aking tatahakin sa nalalabing aking buhay?

Ngumisi si Kalbo sa mga katagang nagmumutawi sa bibig ng kaibigan. Nag-isip at nagdesisyong tumungga. Kinuha niya ang baso at uminom ng konti, napangiwi ang bibig sa pait ng alak pero di inalintana at pinasundan ng maalat na mani.

Wala pa ring imik si Tasyo at patuloy na uminom.

Sa labas, unti-unting nilamon ng mga bundok ang nawawalang araw at unti-unting umusad ang dilim sa dapit hapon…


TO be Continued…
Itutuloy…



Comments

Popular Posts