Si Bodoh at ang Buhay part 2
Copyright 2011 Johnny Domawa
All Rights Reserved
Disclaimer: Any resemblance to a person, living or dead is pure unintentional and unintended..
Tila
nakalimutan na yata ni Bodoh ang kanyang prinsipyo sa pag-inom. Tila wala sa
isip ay tinungga niya ang kanyang serbesa at wala namang patid si Kalbo na
pinupuno ang baso kung kanyang nakita na ubos na ito. Kung gusto mang sawayin
ni Tasyo si Kalbo ay minabuti lamang nito na hindi umimik. Unti-unti habang
lumalalim ang kapit ng dilim ay nalasing na si Bodoh.
Unti-unting
lumabas ang mga butil ng luha sa kanyang mata. Gawa siguro ng mga nakakimkim na
mga agam-agam na pilit niyang hinahanapan ng kasagutan. Ano nga ba ang buhay? Para saan at tayo ay humihinga sa mundong ibabaw?
Bakit tayo binigyan ng diyos ng mga taon na patuloy na dumarating at di naman
natin kayang pabagalan o kaya palitan?
B: (sabay
tungga) Ayoko na…
Natahimik
ang lahat. Natigilan si Kalbo na akmang lalagyan ulit ang baso ni Bodoh. Tiningnan
niya ng maige ang kanyang kaibigan at nagdesisyon na tama na ang kanyang
panlalasing dito. Medyo nahiya sa kanyang sarili at binaba ang round pose at
tinungga ang sariling baso na hindi niya ginalaw simula pa kanina.
Dahan dahang
binaba ni Tasyo ang kanyang baso at tiningnan si Bodoh. Umuusad na ang mga luha
sa pisngi ng nakakaawang binate at batak na batak sa mukha nito ang napakalalim
na kalungkutan. Tumayo si Tasyo at nagpalabas ng isang malakas na buntong
hininga. Kinuha ang magasin sa isang tabi at walang imik na nirolyo ito. Lumapit
siya sa humahagulgol na lalaki, pansandaliang pinakinggan ang mga hinagpis nito
at walang imik na tinaas ang kamay na nakahawak sa magasin
…at sabay
biglang pinalo ang ulo ng umiiyak na binata gamit ang magasin…
T: GAGO!!!!!
Nabigla si
Bodoh, bigla siyang umatras sa tama ng magasin at nahulog siya patalikod sa
sahig. Biglang nawala ang kanyang pagkalasing at tama sa hindi inaasahang
aksion ng matanda. Napatingin siya kay Tandang Tasyo ng mga matang may bahid ng
takot at pagkamangha.
T: Ano ka ba?
Bata? Hindi!! Isa kang matanda! … Sino bang maysabi sa iyo na maganda ang lahat
ng landas ng buhay na iyong tatahakin? Sino ba ang maysabi sa iyo na lahat ng
pinagplanuhan mo at lahat ng iyong paghihirapan ay pupunta sa iyo?
T: Hindi
lahat ng iyong isasaing ay iyong kakainin… hindi lahat ng iyong pagpapaguran ay
mapapasayo…
T: May mga
magnanakaw at may mga maiitim ang budhi na susuntok sa iyo ng walang katuturang
rason sa buhay na ito…
T: May
maglalapastangan sa iyo. Ang salita mo sa iba na pilit mong ginagawa ay hindi
pagkakahalagahan at kusang ibabasura ang mga magaganda mong intensiyon…
Inabot ni
Tasyo ang kamay kay Bodoh na nakahandusay pa rin sa sahig at tinitingnan ang
matanda ng di maikubling takot at pagkamangha.
T: Ganito
ang buhay bata… Akala mo ba ay makukuha mo lahat ang gusto dahil sa ikaw ay
mabuting tao… Hindi!
T: Ang buhay
ay hindi mo kailanman puedeng makokontrol… at hindi lahat ng tao ay kusang
magiging masaya ang buhay… lahat ay mamimilipit sa pait ng pagkabigo sa mga
panaginip na hindi magkakatotoo. At hindi lahat ng mga tao na dapat na bigyan
ng magandang buhay ay makakamit ito. Kung minsan ang mga hindi karapatdapat ang
nakakakamit ng isang buhay na payapa at maganda…
T: Ganito
ang buhay, bata…
T: Ihakbang
mo lang ang iyong mga paa. Kaliwa pagkatapos kanan… saan ka man papunta,
hakbang lamang ng hakbang… lilipas man ang panahon at di mo makamtan ang iyong
ninanais o kaya ay hindi mo marating ang gusto mong marating… ay huwag mong
ipagkait at ipatalo ang iyong mga hangarin sa buhay…
T: Tao ka
Bodoh… ang hinaharap kahit man na ito’y nakaukit na sa bato ay nasa landas na
iyong tinatahak ngayon… Harapin mo na isang lalaki…
T: Suntukin
mo ang buwan, abutin mo ang mga bagay na sinasabi nilang hindi mo kaya… kahit
na hindi mo man ito makamit, ngumisi ka sa kahulihulihan ng iyong buhay at
sabihin sa mundo na, Gago!
T: At pag
walang patutunguhan ang iyong buhay, gawa ka ng landas… bigyan mo ng katuturan
ito pag walang magbibigay sa iyo. Isandal mo ang iyong katawan sa Diyos at
lumakad ka…
T:…ang
magpapatalo sa buhay ay talagang ‘talo’ na… huwag kang gago!
Namutawi sa
loob ng kubo ang katahimikan. Dumadaloy ulit ang mga luha sa pisngi ni Bopoh
pero ang mga luhang ito ay iba na sa hinagpis na tinulo ng mga ito kanina. Bumalik
si Tasyo sa upuan at tinagay ulit ang kanyang serbesa.
Nakangisi si
Kalbo na kanyang tinatago sa kanyang pag-inom.
Nakita ito
ni Tasyo at binigyan siya ng matalim na tingin.
K: Hehe…
Umupo si
Bodoh at inabot ang baso. Nilagok ang alak. Ng maubos ay kusa na niyang
nilagyan ito at nilagok ulit. Tiningnan lang ng dalawang kainuman ang binata at
sa labas ay tuluyang umitim ang kalangitan sa dilim.
Bog! Bumagsak
ang ulo ni Bodoh sa mesa. Tulog…
K: Hehe…
Walang imik
si Tasyo pero sa gilid ng kanyang paningin ay tinitingnan niya ngayon si Kalbo.
T: E ikaw?
K:
(napatingin kay Tasyo) Ako?
T: Oo ikaw
K: (ngumisi)
Ba’t ako?, hahaha
T: (akmang
kukunin ulit ang magasin pero napag-isipang wala ung silbi sa sitwasyon) Oo
ikaw, ano naman ang direksiyon ng buhay mo?
K: (Napaisip
at ngumisi ulit) …direksiyon ng buhay ko?...hmmm… wala ata e, hehe
T:
(napailing at gustong sapakin ang Kalbo) E anong katuturan ng buhay mo?
K: Wheww,
lalim naman ng tanong mo Lolo… (sumipsip sa serbesa) … ganito na lang siguro
lolo… saan man ako iaabot ng alon sa buhay ay doon na ako… (nakita ang pagdilim
ng mata ni Tasyo)… ala naman po akong matinding hangarin po e…
T: (tumaas
ang kilay) Wala?
K:
(tiningnan ng maige si Tasyo) Hehe, sabihin na nating meron Lolo, kung ito ay
hindi ko talaga maabot, ipagpipilitan ko ba ang aking sarili?... o mas
mamabutihin kung abutin na lang ng iba na mas karapat dapat pa sa akin?
T: (tumawa)
Hahahaha! Ha! At sino namang may sabi sa iyo na hindi ka karapatdapat?
K: (ngumiti
at parang nag-isip) Hmmm, may puntos ka doon lolo. Puede nga na mali ang aking
akala sa aking sarili. Ngunit hindi natin maipagkakait na merong mga bagay sa
mundong ito ang mas mabuting ibigay na lang sa iba kaysa ating hahawakan, di ba
lolo?
K: …sabihin
na nating, pabayaan ko na lang na iba ang liligaya… Sabihin na natin na ako ang
duwag… at mabubuhay akong naghahari ang kalungkutan sa araw araw kong paghinga…
sabihin na natin na mamamatay ako isang araw sa hinaharap na umiiyak sa labis
na paghinagpis dahil hindi ko man lang magawang subukan na abutin ito man
lamang…
K: …ngunit
ang pagkakaiba siguro naming ni Bodoh ay ganito… akin ng tinanggap ito. Niyakap
ko na ang kalungkutan lolo at aking nilalakad ang landas ng buhay na tanggap
kong malungkot ito.
K: …pagsisisihan
koi to alam ko at sa hinaharap pag di ko kakayahin, malamang magiging lasenggo
ako o di kaya ay isang taong nakakulong sa sariling mundo, hehehe. Tsk! Huwag
naman sana, hehe
Walang imik
na kinuha ang magasin at nilapitan si Kalbo. Ngumiti si Kalbo at tumayo.
Pero di
bumagsak ang pamalo ni Lolo Tasyo.
They stood
thus, the old man with his arm raised high with the rolled magazine and Kalbo
with his head hung low waiting for the inevitable thump of the makeshift pole.
But moments
passed and Tasyo remained frozen. Then silently, the magazine fell with a dull
sound on the floor and the old man turned away…
Kalbo
watched the old man’s forlorn form leave the shack. He saw the tear in the old
man’s eyes before he turned away. He smiled painfully. He understood the old
man’s tears and his pain…
Perhaps
someday, he will be Lolo Tasyo…
It was
probably a tragedy that was worth repeating.
He sighed
and turned to the dark sky, hiding his own tears in the darkness.
Barely
audible, he muttered a word under his breath and lightly punched himself…
‘Gago…’
Comments