Si Bodoh at ang Panliligaw
Copyright 2011 by Johnny Domawa
All rights reserved
Disclaimer: this is a work of fiction, any resemblance to a person, living or dead is purely coincidental and unintended.
Because of Bodoh’s bad interview with Mayk Rikez, he was referred by the benevolent broadcaster to the all knowing wiseman, Mang Tasyo. That’s why Bodoh packed his bags to the picturesque town of Tanauan, Batangas to take counsel with the venerated old man.
This is their conversation over a round of basi.
Mang Tasyo: Di mo raw alam manligaw?
Bodoh: Opo
M: Sino sino ba ang mga kabarkada mo at ating sisipain, aba’y trabaho nila dapat yon a. Ang tanda tanda mo na e, di ka pa tinuruan.
B: (napangisi) Hehe
M: At makuha pang ngumisi ang torpe..
B: Hehe
M: E may nagustuhan ka namang babae? Huwag mong sabihing wala at sisipain kita.
B: (ngumisi ulit) Oo naman po. Si *bleep, *bleep, *bleep at si *bleep
M: Buti naman kung ganoon. Di bale at tuturuan kita.
B: E, kaso ala pong silbi kahit na turuan niyo po ako…
M: At bakit naman?
B: May asawa na po kasi sila.
M: HAHAHAHAHAHAHAHAHA. (natawa ang matanda, halos magkaheart attack ang loko)
B: (namula)
M: Gago!
B: (mas lalong namula)
M: Huwag mong sabihing sila lang ang babae.
B: (umiling)
M: Pero may nagugustuhan ka ngayon?
B: (namula ulit)
M: Huwag kang mag-alala, tuturuan kita.
B: (nods head)
M: Kilala mo?
B: Opo
M: Kilala ka?
B: Opo
M: May pinagsamahan?
B: (napailing) ala po, magkakilala lang po siguro pero wala pong pinagsamahan.
M: Di bale, may paraan yan. May kaibigan ka ba na kaibigan rin niya?
B: (napailing) Siguro meron po pero sa tinitirhan naming ngayon wala po.
M: (napailing naman) Ay, mahirap nga yan. Alam mo kasi pag manliligaw ka ng isang babae dapat ay may kaibigan kayo sa gitna kumbaga. Yung kaibigan na yon ang gagabay sa inyo. May magsasabi na, ‘Uy, bagay sila…’ o kaya ‘ Ba’t di niyo kaya totohanin?’ o di kaya ‘Alam mo gusto ka ng kaibigan kong ito…’ Ganyan ang simula ng panliligaw. Kasi di mo puedeng sabihin sa isang tao na diretsong ‘Gusto kita, puede ba kitang ligawan?’ Siguradong makakapalan ka ng mukha lalo na pag wala kayong pinagsamahan. Iyan ang ugali nating Pilipino.
B: Iyan nga po ang problema po e.
M: Mahirap ngang suliranin yan. Pero nakausap mo na siya?
B: Ng harapan po?
M: Oo naman, pag-uusap nga e.
B: Di po…
M: Gago! (sabay sipa kay Bodoh) E nagtorpe kang tao…
B: Sori po pero kakausapin kop o.
M: Kelan pa?
B: Dalawang buwan pa po.
M: Gago! (sinipa ulit) At bakit naman kailangan mong palipasin ang dalawang buwan, iho?
B: E ala naman po akong pera… tapos di ko po alam ang mga pasikotsikot sa bayan, at wala po akong kotse, at ala po akong barong, at ala po akong itsura –
M: GAGO! (sinipasipa si Bodoh) At ano namang kinalaman ng mga iyon sa pakikipag-usap sa babae, ha?
B: E yon po kasi ang sabi sa magasin e
M: Gago ka talaga! Anong magasin yun?
B: Eto po, Cosmopolitan (sabay abot)
M: (Pulang pula si Lolo sa sobrang galit. Walang salitang kinuha ang magasin at pinunit punit) Eto ang mali sa inyong henerasyon e, iba na ang iniisip niyo. Di ito ang gabay para sa pag-ibig. Sino ba sila para pagsabihan ka kung ano ang karapat dapat? Wala ka bang isip, bata?
B: (walang masabi)
M: Hala, kailangan mo siyang kausapin, ha sa madaling panahon, ngayon na dapat.
B: Puwede po ba next week ho?
M: GAGOOOOO!!!!!!!!!!! (sipa at sapak, sipa at sapak) At ano naman ang rason ngayon?
B: (mahina) Mukhang uulan po ata
M: GaGOOOO! (heart attack na yata si lolo)
B: Baka po mabasa e…
M: Saang lupalop ka isinilang, bata ka ha? Isa kang hangal. Buti nga iyong umuulan at may payong na pagsisilungan e.
B: Hindi naman po ata tama yun…
M: (sapak ng malakas) E kaya pala di ka makapag-asawa e. Torpe ka ngang talaga.
B: (Mahina) opo
M: Pero gusto mo siya?
B: (di makasagot) Di ko po alam…
M: (Walang salita, sinapak si Bodoh)
B: Idefine niyo po ang ibig sabihin ng gusto at sasabihin ko po
M: (wala ulit salita, sinapak ulit si Bodoh ng mas malakas… kawawa si Bodoh)
B: E di po kasi kami magkakilala ng husto kay di kop o masasagot e
M: (Sinapak ulit pero nagsalita na) Alam mo iho dalawa lang naman ang sagot diyan e. Gusto mo o hindi. Hindi mo gusto o gusto mo. Ngayon, balik tayo. Gusto mo ba siya?
B: (nanginig at parang umiiwas sa sapak) Puwede ho…
M: Ayayay… pero puede na iyon.
B: Pero di ko alam kung gusto po ako…
M: At ano naman ang relasyon noon. Ke gusto ka o hindi basta gusto mo, ang importante alam mo ang nararamdaman mo. Ganyan naman ang buhay e. Walang may alam kung ano ang mangyayari. Makipagsapalaran ka. Tumawid ka sa daan kahit di mo alam ang nasa kabila. Walang sigurado sa buhay, iho. Pag di mo gagawin ang unang hakbang, wala kang mapapala.
B: Opo…
M: (tiningnan ng nakakaawa si Bodoh) May pag-asa ka pa, iho. Alam kong hindi mo masasabi kung mahal mo ang isang tao o hindi dahil ang pagmamahal ay naaalagaan at bigla na lang uusbong ng di namamalayan, pero ang pagkagusto sa isang babae ay normal lamang. Maaaring uusbong sa pagmamahal o sa pagkakaibigan lamang. O kaya ay tatalikuran ka at iiwang nag-iisa. Iyan ang buhay.
B: Opo
M: Basta ito ang gagawin mo ha? Imbitahan mo at kausapin mo.
B: Opo
M: Bukas din
B: Uulan po bukas e, next week na lang po.
M: GAGOOOOOOOOO! (wala na, bugbog sarado si Bodoh)
Stupid men don’t ever learn. I think that their stupidity is incurable. I know coz I am one of those.
Comments